Sen. Go nananawagan ng dasal at suporta sa ika-100 araw ng pagkakakulong ni FPRRD

Sen. Go nananawagan ng dasal at suporta sa ika-100 araw ng pagkakakulong ni FPRRD

GINUNITA ni Sen. Bong Go ang ika-100 araw mula nang madala si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa The Hague, kung saan kasalukuyan itong naka-detain.

Ayon kay Go, matagal nang sabik ang mga Pilipino na muling makasama ang dating lider ng bansa na kilala sa kaniyang masidhing kampanya laban sa kriminalidad at ilegal na droga.

“Hindi tayo titigil sa panawagan natin: Bring him home! Sabi nga ni Tatay Digong, he is a Filipino. And he loves the Philippines because it is the land of his birth, it is the home of his people,” ayon kay Sen. Bong Go.

Nagpahayag si Go ng matatag na pag-asa at taimtim na panalangin para sa kaligtasan, kalusugan, at kalayaan ni Duterte. Giit niya, nararapat lamang na makabalik na ito sa Pilipinas upang muling makapiling ang mga kababayan niyang kaniyang buong pusong pinaglingkuran.

Ani Go, taumbayan na mismo ang humusga sa naging liderato ni Duterte lalo na sa kampanya nito kontra droga, na siyang naging tatak ng kaniyang administrasyon.

Para kay Go, malinaw ang naging mandato ng mamamayan batay sa naging resulta ng halalan. Ipinunto rin niya ang likas na kaugalian ng mga Pilipino na igalang ang nakatatanda, tulad ni Duterte, na ngayo’y 80 taong gulang at mas nais nang mamuhay nang payapa sa kaniyang tahanan sa Davao City.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble