DOJ, ginagamit sa Fake News — Atty. Roque

DOJ, ginagamit sa Fake News — Atty. Roque

HINDI na ipinagtataka ni Atty. Harry Roque ang umano’y pagpapakalat ng fake news ng administrasyong Marcos Jr. sa pamamagitan ng Department of Justice (DOJ).

Ito ang naging tugon ni Roque kaugnay ng napaulat na na-deny umano ang kanyang asylum application sa Netherlands.

Ayon sa DOJ, ito raw ang dahilan kung bakit siya ay nasa Germany.

Ngunit paglilinaw ni Roque, matagal nang naka-iskedyul ang kanyang biyahe sa Germany.

“My trip to Germany was a pre-planned activity. Together with Maharlika, the visit was upon the invitation of the Filipino community in Germany, where I administered the oath taking of the proud members of the Hakbang Maisug Germany,” ayon kay Atty. Harry Roque.

Paliwanag ni Roque, ang kanyang biyahe ay bunga ng imbitasyon mula sa Filipino community sa Germany, kung saan pinangunahan niya ang panunumpa ng mga bagong miyembro ng Hakbang Maisug Germany.

Sa ngayon, nakabalik na si Roque sa The Hague, Netherlands.

“Marcos Jr. does not need billions of pesos of confidential and intelligence funds to track my location. Just check my Facebook account. It is all there,” saad ni Roque.

Biro pa ni Roque, hindi na kailangang gumastos ng bilyon-bilyong piso mula sa confidential at intelligence funds para malaman ang kanyang kinaroroonan.

Aniya, makikita naman ang lahat ng kanyang aktibidad sa social media.

Matatandaang una nang pinabulaanan ni Roque ang pahayag ng DOJ na siya ay may multiple passports.

Mismong Department of Foreign Affairs ang naglinaw na iisa lamang ang hawak niyang pasaporte.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble