P-pop Pride: 1st.One, tutungong Malaysia bilang kinatawan ng Pilipinas

P-pop Pride: 1st.One, tutungong Malaysia bilang kinatawan ng Pilipinas

ON the way to Malaysia ang rising P-pop boy group na 1st.One para ibandera ang galing ng mga Pinoy sa upcoming Round Festival ngayong buwan sa Zepp, Kuala Lumpur.

Magtatagal ang nasabing festival sa loob ng dalawang araw; June 21 to 22 ngayong taon.

Ang Round Festival ay ang official brand name ng ASEAN-Korea Music Festival project na naglalayong ipakita ang galing ng bawat performer mula sa iba’t ibang bansa ng Asya.

Matutunghayan sa unang araw ng festival ang mga grupo mula Korea, Vietnam, Myanmar, Lao People’s Democratic Republic, Singapore, Malaysia at ang pambato ng Pilipinas na 1st.One.

Sa pangalawang araw ay magpapakitang gilas naman ang mga performer mula sa Thailand, Brunei, Korea, Indonesia at Malaysia.

Ang grupo ay binubuo ng anim na miyembro na sina Ace, Alpha, J, Joker, Jayson at Max. Kamakailan ay nag-release din sila ng kanilang latest single na “Alam mo Ba,” na tinangkilik ng mga kabataan sa bansa, at nakasama sa Billboard Philippines’ P-pop Rising class party ngayong taon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble