NANGANGANIB ang nasa 664 barangay sa Luzon sa mga pagbaha, landslide, at flash flood dulot ng ulan.
Ayon ito sa Department of Environment and Natural Resources–Mines and Geosciences Bureau (DENR-MGB) nitong Hulyo 3, 2025.
Kabilang dito ang 412 barangay mula sa Metro Manila kung saan 117 ay sa Lungsod ng Maynila at 114 ay sa Quezon City.
Ayon sa DENR-MGB, ang datos ay mula sa forecasted rainfall accumulation thresholds sa ilalim ng Hazard Mapping and Assessment for Effective Community-Based Disaster Risk Management Program ng ahensiya.