Bagong layang PDL, nang-agaw ng baril ng pulis; 1 patay, 2 sugatan

Bagong layang PDL, nang-agaw ng baril ng pulis; 1 patay, 2 sugatan

SA kuha ng CCTV, maririnig ang palitan ng putok ng baril, matapos na mang-agaw ng baril ang isang bagong laya na Person Deprived of Liberty (PDL) mula sa Ihawig Prison and Penal Farm noong 28 ng Hunyo na may kasong murder.

Nangyari ang insidente ng pamamaril sa mismong tanggapan ng Carmona City Police Station nitong 2 ng Hulyo pasado alas nuwebe ng umaga ng dalhin dito ang suspek na kinilalang si Oliver Tinguha, edad 29 at residente ng Basilan dahil sa reklamong tress passing.

Inagaw ng suspek ang baril ni Police Master Sgt Joel Mendoza na siyang naging Police Escort nito at saka ito walang habas na nagpaputok dahilan para resbakan din ito ng kapulisan.

Dalawang tama ng bala mula sa suspek ang tumama kay Mendoza habang isa pang pulis ang natamaan nito sa paa. Isinugod ang mga ito sa ospital ngunit kalaunan ay binawian ng buhay si Mendoza.

Habang ang suspek na nagtamo rin ng tama ng bala ay binawian din ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang buong hanay ng Carmona Police sa naiwang pamilya ng nasawing pulis at tiniyak na hindi na mauulit ang nangyaring insidente.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble