GINAWARAN ng Office of the Vice President (OVP) ng Php150,000.00 livelihood grant ang United PWD Association for Rehabilitation and Development, Inc. (UPWARD, Inc.) mula sa Mag Negosyo Ta ‘Day (MTD), noong June 13.
Ang UPWARD, Inc. ay nabuo noong taong 2019 at may 816 na miyembro. Ang kabuhayan ng grupo ay ang kanilang mini grocery store at bigasan.
Sa pamamagitan ng OVP–Panay and Negros Islands Satellite Office (OVP–PNI SO), naipagkaloob sa grupo ang tseke mula sa MTD.
Ayon sa presidente ng kanilang asosasyon na si Ginang Veronica Echaus, malaki ang maitutulong ng natanggap na karagdagang puhunan mula sa MTD para sa kanilang mga miyembro. Mas mapapalago na nila ang kanilang negosyong bigasan at makatutulong pa ito sa kani-kanilang mga pamilya.
Hindi hadlang ang kapansanan ng ating mga benepisyaryo upang makatulong sila sa kanilang mga pamilya.
Ang MTD ay isa sa mga flagship programs ng OVP na naglalayong magbigay ng entrepreneurial opportunities sa ating mga kababayan na kabilang sa vulnerable at disadvantaged sectors.
Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President Facebook Page.