TUMAAS ang headline inflation ng Pilipinas sa 1.4 percent noong Hunyo 2025.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mula ito sa 1.3% noong Mayo.
Dahil dito, umabot na sa 1.8% ang average inflation rate mula Enero hanggang Hunyo 2025.
Kung ikukumpara noong Hunyo 2024, mas mababa ito sa naitalang inflation rate na nasa 3.7%.