NAGKAUSAP sa telepono sina Pangulong Bongbong Marcos Jr. at Canadian Prime Minister Mark Carney nitong Huwebes, Hulyo 3, 2025.
Kabilang sa kanilang mga natalakay ang nangyaring car-ramming sa Vancouver, Canada noong Abril kung saan ilang Pilipino ang nasawi.
Dito na napag-usapan ng dalawang opisyal ang pagpapalalim ng ugnayan ng Pilipinas at Canada sa kalakalan, depensa, at kapayapaan sa rehiyon.
Nagkasundo rin si Marcos Jr. at ang Canadian Prime Minister na palakasin ang kultural na ugnayan at kalakalan ng dalawang bansa.
Binigyang-diin din ang kahalagahan ng malaya at bukas na Indo-Pacific bilang bahagi ng pagpapanatili ng rules-based international order at seguridad sa rehiyon.