Takeda dengue vaccine, binawi sa US at Singapore

Takeda dengue vaccine, binawi sa US at Singapore

SA patuloy ng pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa, muling inaksiyunan ang usapin tungkol sa bagong bakuna laban dito. Pero kamakailan, kinumpirma ng isang kompanya ang bulontaryong pag-atras ng kanilang aplikasyon para sa bakuna sa Estados Unidos at Singapore.

Ayon sa Takeda Philippines, hindi isyu ang bisa o kaligtasan ng bakuna. Ang dahilan ng withdrawal sa Estados Unidos ay dahil sa kulang na datos na hiningi ng Food and Drug Administration (FDA)—partikular sa mga banayad na kaso ng dengue na hindi naitala sa original clinical trial protocol.

Dahil sa limitadong panahon para maihabol ang bagong datos, mas pinili ng kompanya na iurong muna ang aplikasyon at i-review muli sa mas angkop na panahon.

Sa kabila ng development na ito, nananatiling positibo ang Takeda. Sa mga pag-aaral, napatunayan na ang Qdenga ay may mahigit 80% proteksiyon laban sa mga kaso ng dengue na kailangang ma-ospital—kahit sa mga hindi pa nagkakaroon ng dengue. Isang bagay na malinaw na kaibahan sa Dengvaxia, na kailangang salain muna ang mga pasyente bago iturok.

Samantala, hindi pa aprubado ng FDA ang bakuna dito sa Pilipinas. Ayon sa ilang eksperto, ngayong humaharap ang bansa sa mga panibagong banta ng dengue, panahon na para pag-aralan nang mas mabilis ang posibleng benepisyo ng Qdenga para sa mga Pilipino.

Habang inaayos pa ang karagdagang datos na hinihingi ng mga foreign regulator, nananatiling bukas ang usapin kung kailan ito maaaprubahan sa Pilipinas—lalo na’t tumitindi ang pangangailangan para sa mas ligtas at mas maaasahang proteksiyon laban sa dengue.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble