Catriona Gray, isa sa mga guest na naimbitahan sa ‘Jurassic World Rebirth’ event sa Thailand

Catriona Gray, isa sa mga guest na naimbitahan sa ‘Jurassic World Rebirth’ event sa Thailand

ISANG exclusive and special invitation ang natanggap ng Miss Universe 2018 na si Catriona Gray kamakailan.

Naimbitahan ang beauty queen sa event ng “Jurassic World Rebirth” na ginanap sa Thailand nitong Hulyo 2.

Agad na ibinahagi ni Catriona sa kaniyang social media account ang once in a lifetime experience sa launching at promo tour ng film with a caption, “A New Era Begins.. in Thailand.”

Highlights sa nasabing tour ang giant Spinosaurus dinosaurs na makikita sa Chao Phraya River sa Bangkok.

Kaya naman, mas lalo pang na-excite ang fans sa nalalapit na worldwide premiere ng pelikula.

Kasama rin ni Catriona sa launch tour si Miss Universe Thailand 1st runner-up, Anntonia Porsild, at sabay nilang inikot ang aktwal na lugar kung saan nabuo ang pelikula.

Direktok ng film si Gareth Edwards, Scarlet Johansson, Jonathan Bailey, at Mahershala Ali.

At sa tanong kung may twist ba sa kuwento? Absolutely! Kaso bawal ang spoiler!

Pero huwag mag-alala dahil nagsimula na itong i-premiere sa bansa kahapon sa mga pangunahing sinehan, kasabay ng global release ng pelikulang nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble