Mga manggagawa na maapektuhan ng Alert Level 3 sa NCR, makatatanggap ng tulong —DOLE

Mga manggagawa na maapektuhan ng Alert Level 3 sa NCR, makatatanggap ng tulong —DOLE

KINUMPIRMA ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na maaaring tumulong ang ahensiya sa mga manggagawa na maapektuhan dulot nga sa pagbabalik ng Alert Level 3 sa National Capital Region (NCR).

Una na rin kasing inanunsyo ng Department of Trade and Industry (DTI), tinatayang nasa 100,000-20,000 ang mga workers na maapektuhan ng kasaluluyang ipinatutupad na alert level system.

Ayon pa sa kalihim maaari din naman mag-avail ang mga maapektuhang manggagawa sa ilalim ng Alert Level 3 ng kanilang livelihood assistance.

Kung saan maaari silang bigyan ng kapital para sa pagpapatayo ng kanilang maliit na negosyo.

Aminado din si Bello na marami na rin na mga kumpanya ang lumalapit na sa DOLE para humingi ng tulong sa posibleng maapektuhan ng kanilang mga workers sa ilalim ng Alert Level-3.

Ani Bello karamihan sa mga employer na maapektuhan ng ipinatutuapad na alert level system ay ang nasa tourism industry na ngayon ay humihingi na rin ng tulong sa DOLE pati ng nasa restaurant.

Ayon pa kay Bello nasa mahigit 100 na mga employers na ang lumapit na sa DOLE para humingi ng tulong sa posibleng pagkakaapekto ng kanilang mga manggagawa.

SMNI NEWS