Hong Kong University, hinihimok ang gobyerno sa pagpapatupad ng malawakang lockdown

Hong Kong University, hinihimok ang gobyerno sa pagpapatupad ng malawakang lockdown

HINIHIMOK ng Hong Kong University ang gobyerno na magkaroon ng malawakang lockdown dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa syudad.

Iminungkahi ni Gabriel Leung, Dean ng Hong Kong University medical faculty ang malawakang lockdown sa syudad upang maagapan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 at mapababa ang kaso ng mga namamatay sa sakit.

Nakakaranas ngayon ang Hong Kong ng ika-limang wave ng COVID-19 outbreak dahil sa mabilis na pagkalat ng nakakahawang Omicron variant sa syudad.

Dahil sa outbreak nagpatupad muli ang mga awtoridad sa Hong Kong ng mga bagong panuntunan ng social distancing measures.

Kabilang rito ang paglilimita sa dalawang katao sa mga pampublikong lugar.

Ayon sa epidemiological modelling ng public health experts at ng Li Kai Shing faculty of medicine  ng Hong Kong University, ang pagpapatupad ng bagong restriksyon ay hindi pa rin makakabawas sa pagbaba ng bilang ng mga kaso.

Inihayag naman ni Joseph Wu, propesor ng faculty division of epidemiology and biostatistics na bawat pasyenteng natamaan ay patuloy na makakahawa ng nasa 1.5 na katao.

Ito ay magdadala ng nasa 28,000 na kaso araw-araw sa pagitan ng Marso habang nasa 97,000 naman ang kelangan i- quarantine.

Sa kaugnay na balita, dahil sa mahabang pila sa mga testing site, nahihirapan ngayon ang Hong Kong na makapagbigay ng community facilities sa mga taong gustong sumailalim sa COVID-19 tests.

Follow SMNI NEWS on Twitter