Mahigpit na security measures at health protocols, ipinapatupad sa gitna ng SMNI Presidential Candidates Interview sa Okada Manila

Mahigpit na security measures at health protocols, ipinapatupad sa gitna ng SMNI Presidential Candidates Interview sa Okada Manila

KASABAY ng The Deep Probe: The SMNI Presidential Candidates Interview sa Okada Manila ngayong araw, ay ang pagtitiyak na naipatutupad ang mahigpit na security measures pati ang health protocols.

Ito ay kahit nananatiling mababa ang naitatalang kaso ng COVID-19.

Sa implementasyon ng health protocols, bago makapasok sa loob ng Okada, ay kinakailangan munang magpresenta ng vaccination card pagkatapos ay dadaan sa facial recognition at saka baggage o luggage x-ray.

Pagdating ng entry point ay susuriin na ang invitation sa lahat ng guests.

Samantala, itinuturing din na sandatang panlaban sa banta ng virus ang pag-disinfect ng paligid.

Sa Okada Manila, mayroon silang modernong equipment na tinatawag na XD 100 disinfectant robot na ginagamit para sa open areas na kayang makaikot ng 20 square meters.

At syempre hindi mawawala ang obligadong pagsusuot ng facemask na itinuturing malaking tulong para hindi kumalat ang COVID-19.

Pagdating naman sa security measures, ayon sa Events Operations Security ng Okada, all set na ang pagtiyak sa seguridad sa loob at labas ng venue.

Nakapaloob sa Okada Security at Surveillance Department ang K9 units, Tactical Response Team na kinabibilangan ng anti terrorism unit, bomb squads at VIP extractions.

Kasama ring nakahanda ang Security and Emergency Services na kinabibilangan ng first aids, ambulances at fire trucks.

Katuwang ng OKADA security personnels sa pagbabantay sa kaligtasan at seguridad sa lugar ang PNP personnels at Bureau of Fire Protection mula sa lokal na pamahalaan ng Parañaque City.

Inaasahang alas dos ngayong hapon, mag uumpisa na ang The Deep Probe: The SMNI Presidential Candidates Interview.

Katuwang ng SMNI ang Manila Times, Okada Manila at ALV Events International sa pag-organisa sa naturang event.

Follow SMNI News on Twitter