Mga naaresto dahil sa gun ban, umabot na sa 2,385 – PNP

Mga naaresto dahil sa gun ban, umabot na sa 2,385 – PNP

UMABOT na sa 2,385 ang bilang ng mga violators na naaresto sa kalagitnaan ng gun ban na ipinatutupad sa buong bansa ayon sa Philippine National Police (PNP).

Ayon sa datos ng PNP, ang kabuuang bilang ng violators ay binubuo ng 2,298 na sibilyan, 14 police officers, 11 military personnel, 40 security officers at ang 22 ay nananatili pa ring uncategorized.

Samantala, nasa 1,833 na armas naman ang nakumpiska sa pagka-aresto sa mga violator, kasama na ang 10,221 na ammunitions at 867 na deadly weapons.

Sa bilang naman ng insidente, nanguna ang Metro Manila na may 826 violators, sinundan ng Central Visayas na may 267, CALABARZON na may 2855, Central Luzon na may 184, at Western Visayas na may 143.

Ang nationwide gun ban na nagsimula noong January 9 ay kasalukuyan pa ring ipinapatupad hanggang June 8, 2022 ayon sa Resolution 1-728 ng Commission on Elections (COMELEC).