ISANG buwan na lamang at posibleng magwakas na ang requirement ng pagkakaroon ng Thailand Pass.
Matapos tanggalin ang test and go scheme sa Thailand sa Mayo 1, ang pagkakatanggal ng pass ay magdudulot ng mas mabilis na travel experience at mas maraming pagbyahe sa bansa.
Inihayag ng Tourism and Sports Ministry na pumayag na si Public Health Minister Anutin Charnvirakul sa tanggalin ang Thailand Pass scheme.
Ang pagtatanggal ng Thailand Pass ay nangangahulugang mababawasan na ang trabaho ng mga embahada at konsulada ng bansa dahil ito ang nag-aapruba ng mga dokumento rito.
Kinakailangan namang aprubahan ng Center for COVID-19 situation Administration ang proposal na ito sa pagpupulong sa susunod na buwan upang tuluyan nang maisakatuparan.
Samantala, ang mga turista ay posibleng i-require na kumpletuhin ang kanilang vaccination record sa immigration arrival nito.