PBBM, dapat palakasin ang laban kontra kriminalidad – Belgica

PBBM, dapat palakasin ang laban kontra kriminalidad – Belgica

PALAKASIN kung ano ang sinimulan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na laban kontra kriminalidad.

Ayon kay dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Greco Belgica sa panayam ng SMNI News, mahirap umunlad ang isang bansa kung malala ang droga at korupsiyon.

Dahil dito, aniya, dapat tutukan ito ng susunod na administrasyon.

Ipinaalala naman ni Belgica sa taumbayan na magkaisa ang buong bansa at suportahan si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang bagong Pangulo ng Pilipinas.

Kapag magkaisa aniya, mas mapadadali ang trabaho at mas magtatagumpay ang PBBM admin.

Sa kabilang banda, sinabi ni Belgica na magandang maibalik ang death penalty sa mga korap na opisyal.

Napakarami na aniya ang humihingi na ibalik ang parusang ito.

Follow SMNI NEWS in Twitter