BIR, hinimok na imbestigahan kung nagbabayad ba ng tamang buwis ang Rappler

BIR, hinimok na imbestigahan kung nagbabayad ba ng tamang buwis ang Rappler

NANAWAGAN ang beteranong mamamahayag na si Jay Sonza sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na suriin ang tax compliance ng most least trusted news organization sa bansa na Rappler.

Sa eksklusibong panayam ng SMNI News, sinabi ni Sonza na dapat suriin ng BIR ang issue matapos ipag-utos ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang pagsasara ng Rappler dahil sa paglabag sa batas.

Pinuna rin ni Sonza ang pagdepensa ng mga banyaga kay Ressa.

Kabilang na dito ang asawa ng Hollywood actor na si George Clooney na si Amanda Clooney.

May mensahe naman si Sonza sa U.S. Government na ayon sa kanya ay backer ni Maria Ressa.

“America is no longer the super power he thinks it is. Wala na, wala na sila eh,” ayon kay veteran broadcaster, Jay Sonza.

Follow SMNI NEWS in Twitter