PINABIBIGYAN ng special power si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. upang mapigilan ang pagtaas ng inflation rate o bilis sa pagtaas ng mga presyo ng bilihin.
Iginiit ng beteranong economist na si Albay Rep. Joey Salceda, ipinasa na nito ang panukalang Bayan Bangon Muli o BBM Stimulus Package.
Aniya, tututok ang BBM upang maiwasan at masolusyonan ang market abuse at rigidities.
Kabilang sa magiging special power ng Pangulo kung maipasa ang panukala ay ang anti-hoarding power, na naglalayong kontrolin ang pagbili ng marami sa sobra sa kanyang personal na gamit o negosyo.
Kasama ang pagbibigay ng insentibo sa produksiyon, magbigay ng pautang sa mga supplier, anti-price-gouging powers na layuning protektahan ang mamimili sa pagtaas ng gastos para sa mga produkto at serbisyo ng consumer;
Motu proprio powers para imbestigahan ang possibleng market abuse sa energy at essential good sectors, transport emergency powers at power to mobilize uniformed personnel to expedite programs and projects.
Ang naturang panukala ay inendorso na kay incoming House Speaker Leyte Rep. Martin Romualdez sa mga economic managers ni PBBM.
Ayon kay Salceda ang panukalang pagbibigay ng special power ay kanyang nakikita matapos umabot sa 6.1% ang inflation rate ng bansa simula noong 2018.