GUMAGAMIT na ang mga kriminal ngayon ng bitcoin para makakuha ng ransom sa kanilang mga biktima.
Ito ang binulgar ni House Minority Cong. Marcelino Libanan sa panayam ng SMNI News.
Ani Cong. Libanan, mas mahirap matukoy ang pera kung nasa bitcoin na ito dahil ito ay isang digital currency at kinukuha ng mga suspek ang mga cellphone number ng biktima.
Nananawagan si Cong. Libanan sa awtoridad na dapat talagang seryosohin ang mga serye ng kidnapping sa bansa.
Saad naman ni Cong. Libanan, may mga suspek na nahuli sa mga nagdaang araw ngunit dapat itong ituluy-tuloy.
Hinikayat din ni Cong. Libanan ang mga Pilipino na agad iulat sa awtoridad ang anumang kahina-hinala at mga iligal na gawain.