UMAASA ang Commission on Elections (COMELEC) na mailalabas nila agad kinabukasan o sa Setyembre 18 ang resulta ng plebisito sa Maguindanao.
Gayunman ay nakadepende pa rin anya ito sa bilis ng transmittal ng mga plebiscite returns na magmumula sa Plebiscite Committees patungo sa Plebiscite Board of Canvassers.
Sinabi ni COMELEC chairman George Erwin Garcia na nakatakdang idaos ang plebisito duon bukas, araw ng Sabado, Setyembre 17 na magsisimula ng alas siyete ng umaga at magtatapos ng alas tres ng hapon.
Kabilang sa idaraos na botohan ang 508 barangays at umabot naman sa 818,790 ang mga registered voters.
Kaugnay nito ay handang-handa na anya ang 4,601 na mga polling precincts; 1,669 clustered precincts; at 467 na mga voting centers.