NAITALA ang malaking pagbaba sa bilang ng krimen sa buong bansa sa loob ng dalawang araw mula Setyembre 18-19.
Batay ito sa ulat ng PNP Crime Research Analysis Center, kung saan bumaba ang index crime sa 34 na kaso mula sa 80 na kaso noong Lunes.
Kabilang sa index crimes ang murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft at carnapping.
Habang bumaba rin ang non-index crime sa 89 na kaso mula sa 721 na kaso.
Pinakamalaking pagbaba ay nakita sa mga lumabag sa Anti-Gambling Law dahil sa pinaigting na kampanya kontra iligal na sugal ng pulisya.
Ayon kay PNP chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. dinodoble ng pulisya ang kanilang pagsisikap upang mapanatili ang momentum at matiyak na magiging ligtas ang kapaligiran laban sa mga krimen.