ASAHAN na ng mahigit 900,000 public school teachers ang P1,000 incentive na inilaan para sa kanila ng pamahalaan.
Ayon kay Quezon City 4th District Rep. Marvin Rillo, miyembro ng House Committee on Appropriations, matatanggap ng mga guro ang incentive sa pagdiriwang ng World Teacher’s Day ngayong October 5.
Diin ni Rillo, ang pondo para sa World Teachers’ Day Incentive Benefit (WTDIB) ay kasama sa line item ng 2022 national budget.
Mensahe naman ni Rillo sa mga guro na gagawan nila ng paraan sa Kamara na maging yearly na ang pagbibigay ng incentive.
“We wish to assure our teachers that we in Congress are absolutely determined to sustain the annual funding for their WTDIB,” saad ng kongresista.
Batay sa RA 10743, idineklara sa Pilipinas ang pagdiriwang ng National Teacher’s Day bilang pagkilala sa kabayanihan ng mga nasa teaching profession.