BINAKUNAHAN ang mga homeless o walang tirahan sa Brgy. South Triangle sa Quezon City.
Ito ay sa pagsisimula ng Caravan Vaccination ng Department of Health (DOH) na bahagi ng Bakunahang Bayan: PinasLakas Special Vaccination Days sa Metro Manila.
Ayon kay DOH OIC Usec. Rosario Vergeire na mahalaga na mabakunahan ang nasabing sektor dahil vulnerable sila sa sakit na COVID-19.
Dagdag pa ni Vergeire na mag-iikot pa sila sa iba pang lugar sa Metro Manila upang mabakunahan ang mga iba pang mga homeless.