DMW, pinasalamatan ang Senado sa ipinasang budget para sa 2023

DMW, pinasalamatan ang Senado sa ipinasang budget para sa 2023

PINASALAMATAN si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople sa Senate Finance Committee dahil sa  mabilis na pag-apruba sa ipinasang budget para 2023 ng ahensiya.

Ang pag apruba sa 2023 budget ng Senate panel ay hindi lamang mga overseas Filipino worker (OFW) ang makikinabang, ito rin ay isang hudyat na fully constituted na ang kagawaran.

Ayon kay Ople, malaking tulong ang ginawa ng mga mambabatas sa pagpasa ng kanilang pondo para sa pangmatagalang suporta na maibibigay na gobyerno para sa kapakanan ng mga OFW kabilang na ang pagsimula ng operasyon ng OFW Hospital.

“We welcome the offer of our senators to find ways and means to support and augment our 2023 budget taking into consideration the sustainability of our programs and services including the full operations of the country’s only OFW Hospital,” ani Ople

Sa P15.2 bilyong pondo ng DMW, P3.5 bilyon ay para sa ahensiya, habang P11.7 naman sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at mahigit P13.03 bilyon naman ang ilalaan sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOEE) ng DMW at P2.12 bilyon sa personnel services.

Samantala, iminungkahi din ni Ople sa Department of Health ang pagtatatag ng scholarship fund para sa mga mag-aaral na gustong mag-enroll sa mga kursong medikal.

Ayon sa kalihim, sa kanilang bilateral labor talks sa mga bansang gustong mag-avail ng mga serbisyo ng mga Filipino healthworker, maaari din aniya hingin ang kanilang suporta sa ng scholarship grants sa pamamagitan ng DOH.

“In our bilateral labor talks with countries that wish to avail of the services of Filipino health workers, we can perhaps also seek their support by way of scholarship grants through the DOH,”  dagdag ni Ople.

Kaugnay naman sa deployment cap ng Filipino healthcare workers ayon kay Ople, magpupulong ang DMW, Department of Health (DOH), Department of Foreign Affairs (DFA), at Commission of Higher Education (CHED) sa Lunes upang magkasundo kung paano tugunan ang pagsasaalang-alang dito.

Follow SMNI News on Twitter