NTF-ELCAC, pinasinungalingan ang umano’y pork barrel sa Barangay Development Program

NTF-ELCAC, pinasinungalingan ang umano’y pork barrel sa Barangay Development Program

NILINAW ngayong araw ni Director Arnulfo Bajarin ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang mga haka-haka na mayroon di-umanong katiwalian na nangyayari sa pondo ng Barangay Development Program (BDP).

Mariing pinasinungalingan ng Directorate for Operations at NTF-ELCAC Secretariat na si Director Arnulfo Ferdinand Bajarin ang ipinapakalat na balita ng CPP-NPA-NDF urban operatives sa umano’y  “pork barrel” na nagaganap sa BDP.

Kabilang sa mga tumututol sa budget ng BDP ay ang tinaguriang “KAGAT” Partylist o Kabataan, Gabriela at ACT Teachers na kilalang recruiter ng CPP-NPA-NDF.

Samantala, inilatag naman ni Bajarin ang proseso na magpapatunay na ang budget na pumapasok sa BDP ay dumadaan sa maayos na pamamaraan at hindi sa pork barrel.

“Wala pong katotohanan na ito ay kasama sa pork barrel. Unang-una po ‘yung budget para doon sa ating BDP ay meron na pong nakalaan na mga aktibidadis. Meron tayong lima, actually lima ‘yung pinaka-minimum natin na core program of the Barangay Development Program,” pahayag ni Bajarin.

Ang 5 core programs ng Barangay Development Program ay ang farm to market roads na may halaga ng 12 million pesos, ang pangalawa naman ay ang school buildings naman ay 3 million pesos, ang water and sanitation ay 2 million pesos, ang health stations ay 1.5 million pesos at ang electrification and livelihood programs ay 1.5 million pesos na may kabuuang 20 million pesos na nakalaan para sa bawat barangay.

 

Barangay Development Program 5 Core Program

Farm to Market Roads                  12 Million Pesos
School Buildings                               3 Million Pesos
Water and Sanitation                       2 Million Pesos
Health Stations                               1.5 Million Pesos
Electrification and Livelihood      1.5 Million Pesos
Total                                                  20 Million Pesos

 

“At ito po ay direktang pupunta ‘yung budget doon sa concerned LGUs and for this 2023, another more than 950 barangays ang ating nire-recommend para po mapondohan ito ng another P20-M each barangay. However doon sa lumabas eh parang P10-B lamang po nandun sa Kongreso ngayon na kasalukuyan na pinagdedebatihan,” ayon kay Bajarin.

Kung titignan ang budget na kasalukuyang inilaan para sa BDP na 10 billion ay babagsak lamang ito ng higit sa 10-M sa 959 na mga barangay na dapat ay tatanggap ng 20-M kada isa.

“Again ulitin ko po na wala pong katotohanan na ang budget ng BDP ay pork barrel,” paglilinaw ni Bajarin.

 

Follow SMNI News on Twitter