IBINALITA ni Major Andrew M. Linao mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Region 9 na mayroon pa rin silang natatanggap na mga ulat patungkol sa mga tangkang pagpasok ng mga makakaliwang grupo sa mga paaralan.
Dahil dito agad na inaksyunan ng mga tauhan ng AFP ang mga sumbong na may nagaganap na pagkilos ang makakaliwang grupo sa hanay ng mga estudyante.
Dahil sa face to face classes, naghanda ang AFP katuwang ang iba pang stakeholders na magkaroon ng peace forum sa mga paaralan sa Region 9, partikular na sa mga unibersidad na kadalasang nabibiktima ng Communist Terrorist Group (CTGs).
Kaya mula sa mga magulang ng mga estudyante hanggang sa mga guro ay nagbigay paalala ang AFP na isumbong agad sa otoridad kung may mapansing kahina-hinalang mga aktibidad na ginagawa ang CPP-NPA-NDF sa mga paaralan.
