900 na mga residente, inilikas dahil sa malakas na pag-ulan sa Cagayan de Oro City

900 na mga residente, inilikas dahil sa malakas na pag-ulan sa Cagayan de Oro City

NASA 900 na mga residente ang inilikas ng tropa ng Task Force Oro sa ilalim ng 4th Infantry (Diamond) Division.

Katuwang ang Oro Rescue ng Cagayan de Oro City bunsod ng matinding pagbaha sa ilang bahagi ng  Brgy. Bugo at Brgy. Puerto ng nasabing lungsod.

Mula sa nasabing bilang, 55 indibidwal ang na-rescue mula sa Brgy. Bugo.

Habang ang 700 ay inilikas sa Cagayan de Oro Bugo School of Arts and Trades (COBSAT) ng Brgy. Bugo, ang natitira ay kasalukuyang namamalagi sa Brgy. Puerto Covered Court.

Ayon sa 4ID, patuloy ang kanilang pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan ng Cagayan de Oro sa mga kinakailangang tulong sa mga apektado ng sama ng panahon.

Follow SMNI NEWS in Twitter