NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa kanyang economic team sa Malakanyang, Oktubre 18, 2022.
Ayon sa Office of the President, tinalakay sa meeting ang patungkol sa tugon ng pamahalaan sa pandaigdigang pagtaas ng presyo ng mga bilihin gaya ng pagkain at langis.
Napag-usapan din ang mga planong magpapatibay sa ekonomiya ng bansa sa mga susunod na buwan hanggang sa unang bahagi ng 2023.
Kinumpirma rin ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan ang naturang pulong sa ginanap na Palace briefing, Oktubre 18, 2022.
Sinabi ni Balisacan na partikular na natalakay sa meeting ang patungkol sa short term challenges.
Partikular aniya rito ang inflation na talagang siyang kinakaharap na suliranin ng mga magsasaka at ng mamamayan.
“We did and we tackled the short term challenges that we have discussed and this pertain to the current inflation, the exchange rate and interest rates” ayon kay Balisacan.
Unti unti namang tinutugunan ng economic team ng administrasyon ang epektong dala ng inflation sa pamamagitan na rin ng pagbibigay ng tulong sa mga itinuturing na ‘most vulnerable’ at nasa ‘poverty groups’.
“Particularly providing assistance to the most vulnerable and poverty groups by continuing the subsidy programs, for example, that are currently extended by DSWD – our cash subsidy programs, our assistance for farmers and fisherfolk, to our drivers and so on” dagdag pa nito.
Kaugnay nito, tiniyak ng kalihim na ‘on track’ ang bansa tungo sa economic recovery.
“The continuing inflation and ensuring that as we address these short-term issues, we are mindful that we’ll not abandon the medium-term goals ‘no and we will make sure that we are on track toward economic recovery” pahayag ni Balisacan.
Inihayag din ni Balisacan na masusing minomonitor ng administrasyong Marcos at pinag-aaralan ang sitwasyon na dulot ng mataas na inflation.
Ito ay sa gitna ng inaasahang pagbagal ng paglago ng ekonomiya dala ng mataas na presyo ng bilihin at mga serbisyo.
“We are particularly concerned about higher inflation. Our analysis shows that sustained increases in inflation in 2022 and 2023 will cause a slowdown in our economic growth, translating into a GDP level lower by 0.6 percent in 2023 than its expected level had there been no sustained inflation shock” ani Sec.Balisacan.
Sa kabila nito tiwala naman ang NEDA na malalampasan ng Pilipinas ang mga kasalukuyang hamon sa ekonomiya.