TUMANGGAP ngayong umaga ng modular tents ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) mula sa private sector.
Dalawang libong piraso ng malalaking modular tents ito na nagkakahalaga sa P3-M.
Personal namang tinanggap ni DSWD Sec. Erwin Tulfo ang tulong sa warehouse ng tanggapan sa Pasay.
Malaking tulong ani Tulfo ang tulong na kanilang natanggap dahil tiyak magagamit ito tuwing panahon ng kalamidad.
Nagmula naman ang tulong sa Pitmaster Foundation kasabay ng pagtiyak ng kanilang patuloy na pagtulong sa gobyerno.