DOST, may inaalok na scholarship sa mga mag-aaral na interesado sa mga kursong science & technology-related

DOST, may inaalok na scholarship sa mga mag-aaral na interesado sa mga kursong science & technology-related

NANANAWAGAN ang Department of Science and Technology-Science Education Institute (DOST-SEI) kung sino sa Grade 12 students ngayon ang nais mag-aral sa mga kursong may kaugnayan sa science and technology.

Ayon sa DOST, ito’y dahil maaaring mag-apply ang mga ito sa 2023 Undergraduate Scholarship Program ng ahensya.

Nagsimula na ang application period at magtatapos ito sa December 2 habang March 11-12, 2023 ang In-Person Pen and Paper Qualifying Examination.

Maaaring isumite ng mga interesadong mag-aaral ang kanilang application documents sa https://www.science-scholarships.ph.

Natural-born Filipinos na may good moral character at malusog na pangangatawan ang hinihikayat na mag-apply.

Hakbang ng DOST ang pag-aalok ng scholarships para mapunan ang pangangailangan ng Science, Technology and Human Resources sa national government programs at iba’t ibang industriya na may kaugnayan dito.

Follow SMNI NEWS in Twitter