PANGUNGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang groundbreaking ng Samal Island-Davao City Connector (SIDC) Bridge Project ngayong araw.
Ito ang inilabas na abiso ni Office of the Press Secretary OIC Undersecretary Cheloy Garafil.
Inaasahang sa naturang proyekto, mapapayabong pa ang turismo at mas magkakaroon ng progreso ang Davao.
Nakatakdang itayo ng kumpanya ng engineering na China Road at Bridge Corporation (CRBC), ang tulay, na may kabuuang haba na 3.98 kilometro.
Ito ay magdurugtong sa Samal Circumferential Road sa Island Garden City ng Samal doon sa R. Castillo–Daang Maharlika junction sa Lungsod ng Davao.
Sa pagkumpleto ng nasabing proyekto, inaasahang mapaiikli ang travel time mula Davao City hanggang Samal sa 5 minuto na lamang, mula sa humigit-kumulang 30 minuto sa pamamagitan ng ferry.