Voter registration, muling sisimulan sa Dec. 9, 2022 – COMELEC

Voter registration, muling sisimulan sa Dec. 9, 2022 – COMELEC

MULING sisimulan ng Commission on Elections (COMELEC) ang voter registration para sa local at overseas sa Disyembre 9, 2022.

Isa ito sa inaprubahan sa isinagawang en banc meeting ng poll body kahapon, Oktubre 26, 2022 kasunod na rin ng pagpapaliban ng Barangay at SK Election ngayong taon.

Ayon kay COMELEC spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, ang deadline para sa local voter registration ay sa Enero 31, 2023.

Habang inaprubahan din ang operation plan para sa pilot testing ng Register Anywhere Project (RAP) sa 5 piling malls o satellite registration sites sa National Capital Region.

Isasagawa ang RAP tuwing Sabado at Linggo mula Disyembre 10, 2022 hanggang Enero 29, 2023 maliban sa Disyembre 24, 25 at 31, 2022 at sa Enero 1, 2023.

Layunin ng RAP na mailapit sa publiko ang proseso ng pagpaparehistro ng voter registration.

Follow SMNI News on Twitter