NAGSAGAWA na ng aerial ocular inspection si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga apektadong lugar ng Bagyong Paeng sa lalawigan ng Maguindanao ngayong araw.
Ang Maguindanao Province, ang isa sa lubos na sinalanta ng Severe Tropical Storm “Paeng” noong weekend.
Isinailalim na rin ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Chief Minister Ahod Ebrahim ang buong rehiyon sa state of calamity.
Nauna nang nagsagawa si Pangulong Marcos ng aerial inspection sa lalawigan ng Cavite nitong Lunes.
Personal na tinignan ng Punong Ehekutibo ang pinsala sa imprastraktura at agrikultura sa Cavite, na kabilang sa naapektuhan ng Bagyong Paeng.