BINATI ng Quezon City LGU ang 37 newly hired traffic enforcers ng lungsod.
Ang mga ito ay nakapagtapos ng Basic Traffic Management Training Course sa ilalim ng Quezon City Traffic and Transport Management Department.
Nitong Biyernes nang ginanap ang kanilang graduation sa Century Hall, Quezon City Memorial Circle.
Ang mga nagsipagtapos ay sumailalim sa higit isang buwang lecture at physical trainings at ngayo’y ide-deploy muna ang mga ito sa paligid ng city hall.