HANDA na para sa commercialization ang nasa 16 tech innovation sa Pangasinan.
Inilagay na ito sa technology bazaar ng lugar bilang bahagi ng 2022 Regional Science and Technology Week.
Sa press conference nitong Miyerkules, sinabi ni Department of Science and Technology (DOST) Technology Application and Promotion Institute (TAPI) chief Senior Science Research Specialist, Romeo Javate na karamihan sa technology innovation ay para sa agrikultura ng probinsya.
Ani Javate, magkakaroon ng mga business-to-business na pagpupulong para bigyan ang mga researchers ng pagkakataon na magpresenta ng kanilang mga technology innovations sa mga businessman at generators.
Itinaguyod ang selebrasyon ng Science and Technology Week sa rehiyon mula Nobyembre 9 – 11 para mai-promote ang teknolohiya at makabagong ideya sa mga lungsod at kanayunan.