NATAGPUANG patay ang South Korean police officer na pinaiimbestigahan kaugnay sa Halloween stampede na nangyari sa Itaewon District sa Seoul.
Ayon sa National Police Agency ng Seoul, ang police officer ay kinilala sa apelyidong Jeong ng Yongsan Police Station.
Hindi pa naidetalye kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng police officer.
Sinasabing si Jeong ang nag-utos na sirain ang intelligence report na naglalaman ng accident warning sa Itaewon sa araw ng stampede.
Sinasabi pa na ang Yongsan Police Station kung saan nagtatrabaho si Jeong ay nakatanggap na rin ng mga ulat kaugnay sa overcrowding sa Itaewon 4 na oras bago nangyari ang aksidente subalit wala umano itong aksyong ginawa.
Kung matatandaan, ang Yongsan Police Station ay pinaiimbestigahan dahil sa umano’y kawalan nito ng maayos na crowd control efforts.
Sa Itaewon stampede, 156 katao ang nasawi at dose-dosena ang sugatan.