Pagpapaigting ng anti-overloading campaign, ipinag-utos ng bagong LTO chief

Pagpapaigting ng anti-overloading campaign, ipinag-utos ng bagong LTO chief

AGAD ipinag-utos ni bagong Land Transportation Office (LTO) chief Jose Arturo “Jay Art” Tugade ang pagpapaigting sa kampanya ng ahensya laban sa mga overloaded na sasakyan sa bansa.

Sa kanyang unang araw sa posisyon, ipinag-utos ni Tugade na palakasin ang anti-overloading campaign ng LTO na bahagi ng adbokasiya ng bagong LTO chief hinggil sa road safety.

Dahil dito, agad nag-dispatch ang LTO Central Office at LTO Region 3 ng mga law enforcer sa Tabang Weighbridge Station sa Tabang, Guiguinto, Bulacan para magsagawa ng anti-overloading operation.

Sa operasyon, kabuuang 22 sasakyan ang naharang ng mga otoridad kung saan 7 dito ang nakapasa nang timbangin habang 15 ang hinuli dahil sa paglabag sa RA 8794 o Anti-Overloading Act of 2000.

Samantala, 3 sasakyan ang nahuli dahil sa paglabag sa RA 4136 o Land Transportation and Traffic Code.

Wala namang naitalang untoward incidents sa LTO operation.

 

Follow SMNI News on Twitter