UMAASA ang Philippine National Police (PNP) na makakamit ang zero casualty o zero injury para sa nalalapit na okasyon ngayong Disyembre.
Ayon kay PNP chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., malaking bagay ang pakikipagtulungan ng publiko upang makamit ang masaya ngunit ligtas na Christmas season.
Samantala, nagpaalala rin ang pulisya sa mga magpapaputok ngayong Kapaskuhan at sa bagong taon na mag-ingat upang hindi madisgrasya o maaksidente pagdating sa paputok.
Aniya, mas nanaisin nito na gumamit na lamang ng alternatibong pampaingay upang hindi maputukan ang mga gagamit ng anumang uri ng firecrackers.
Sa katunayan opisyal na isinapubliko ng PNP ang mga paputok na bawal ngayong Pasko at New Year.
Ilan sa mga ito ang godlodbye bading, goodbye COVID, kwiton parachute, kwiton bomb, bin laden, special pla-pla, kabasi, atomic, coke-in-can, giant atomic at goodbye Philippines.