PATULOY pa rin ang pagbubusisi ng mga Immigration officer sa mga dayuhan na dumarating sa Pilipinas.
Inihayag ni Dana Sandoval ang tagapagsalita ng Bureau of Immigration na ito’y upang matiyak na kung ‘di man maiwasan ay mabawasan ang mga iligal na gawain na ginagawa ng mga dayuhan sa Pilipinas.
Matatandaan una nang naiulat na may mga ilang dayuhan na sangkot sa kidnapping at extortion activities ang nagbabalak pumasok ng Pilipinas para dito mambiktima.
At ayon kay Sandoval karamihan sa mga bansang ito ay galing sa Asya na madalas nauugnay sa isyu ng trafficking.
Samantala kinumpirma rin ni Sandoval na nasa tatlong batch na mga illegal POGO workers ang napauwi na sa kani-kanilang bansa.
Habang patuloy pa rin ang pag-aasikaso sa mga susunod na batch para sa deportation.
Pagtitiyak ni Sandoval target ng BI na madeport na ang lahat ng illegal POGO workers sa bansa sa Enero ng susunod na taon.
Isa rin kasi sa mga problema ng matagal na proseso ay ang kanilang travel documents.
Tinatayang nasa 300 illegal POGO workers pa ang dapat pang ma-deport.