HUWAG indahin ang pagtaas ng kontribusyon ng PhilHealth dahil mas kainda-inda pa kung napupunta ba sa mga tao bilang serbisyo ang pondo nito.
Ito ang sinabi ni Atty. Harry Roque kasunod sa nakaambang pagtaas ng kontribusyon sa state insurance.
Ayon sa abogado, mas marami pa ring korap na nakapaligid sa PhilHealth.
Ang nakaambang pagtaas ng premium contribution sa PhilHealth sa susunod na taon ay nakalinya sa Universal Health Care Act (UHC).
Nakasaad sa UHC na mas napapalawak sa pamamagitan nito ang maibibigay na serbisyo sa publiko.