Kartel sa sibuyas, posible –DA

Kartel sa sibuyas, posible –DA

INIHAYAG ng Department of Agriculture (DA) na posibleng may kartel ng sibuyas sa bansa.

Ayon kay DA Assistant Secretary at tumatayong deputy spokesperson na si Rex Estoperez, hindi malabong may nangyayaring kartel dahil kahit bumaba na ang farm gate price ng sibuyas ay napakataas pa rin ng presyo nito pagdating sa mga pamilihan.

Magsasagawa rin ng imbestigasyon ang DA ukol dito upang masawata ang mga ito.

Pagtitiyak pa ni Estoperez na tuluy-tuloy ang pagbabantay ng ahensya katuwang ang mga sangay nito at Bureau of Customs laban sa smuggling ng sibuyas.

Sa huli, pinaplano ng DA na makipag-ugnayan sa National Bureau of Investigation para matukoy ang sinumang iligal na nagbebenta ng sibuyas sa mga online platform.

Follow SMNI News on Twitter