PBBM, pamumunuan ang Department of Agriculture

PBBM, pamumunuan ang Department of Agriculture

NAGKAROON ng pagpupulong ngayon si President-Elect Bongbong Marcos Jr. kasama ang kaniyang mga incoming cabinet member na sina DBM Secretary-designate Benjamin Diokno, DSWD Secretary-designate Erwin Tulfo, NEDA Secretary-designate Arsenio Balisacan.

Pagkatapos ay humarap ang mga ito sa media, inanunsyo ni PBBM na ito muna ang hahawak ng Department of Agriculture (DA).

Balak ni Marcos na siya ang uupo munang kalihim hanggang ma-reorganize ang departamento.

Ang anunsyo ng President-elect ay kasunod ng banta ng food crisis.

“As to agriculture, the problem is enough that I have decided to take on the portfolio, or Secretary of Agriculture, atleast for now…. At least until we’re organize the Department of Agriculture, in the way, that will make it ready for the next years to come,” pahayag ni PBBM.

Aniya, maliban sa prayoridad ang agriculture, kailangan magkaroon ng mabilis na pagkilos ang pamahalaan sa mga problema na kailangang agad na matugunan ng gobyerno kaya nagdesisyon itong hawakan muna ang DA.

Bago ito una nang sinabi ni Marcos na nakikita nilang magkakaroon ng kakulangan sa supply ng pagkain o pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa mga susunod na panahon.

Ilan sa mga tutukan ni PBBM bilang kalihim ng DA ay ang food production sa bansa.

Paglalahad nito na may mga bansa nang nagpatupad ng export ban tulad ng Thailand at Vietnam.

Aniya ang dalawang bansa na ito ay ang pangunahing pinagkukuhanan ng bansa ng imported rice.

Sa ngayon naman ay wala pang pinangalanan na appointee si Marcos para sa iba pang ahensiya tulad ng DOH.

Ang kapatid ni BBM Marcos, na si Imee Marcos una nang sinabi na gamay ni PBBM ang problema sa DA.

Follow SMNI News on Twitter

https://mobile.twitter.com/smninews