INIHAYAG ni National Task-Force Against COVID-19 Adviser Dr. Ted Herbosa na sa buwan ng Nobyembre matatapos ang COVID-19 vaccination ng 28 milyong mga Pinoy na nasa ilalim ng A4 Category.
Ani Dr. Herbosa, ito ay dahil sa isyu ng supply ng bakuna.
Kabilang sa A4 Category ang mga essential worker na nagtatrabaho sa opisina kahit Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Bukod pa rito, ani Herbosa, uunahin ang mga edad 40-59 years old.
Samantala, ngayong buwan ng Hunyo inaasahan ng bansa ang pagdating ng 10-M bakuna mula sa Sinovac, Pfizer-BioNTech, AstraZeneca, Moderna, at Sputnik V.