HINARANG ang abogado ng The Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Atty. Adrian Pajaro na papunta sa Glory Mountain, Tamayong, Davao City.
Ayaw itong papasukin ng PNP Checkpoint sa Brgy. Cawayan na katabi ng Brgy. Tamayong.
Samantala, tatlong kahina-hinalang patrol cars ng PNP ang patungo rin sa Purok 3, Brgy. Tamayong kung saan naroroon ang Prayer Mountain ng KOJC.
Walang naideklarang Martial Law sa Davao City si Marcos Jr. ngunit ganito ang galawan ng kapulisan sa naturang syudad.