Abogado ni Luis Manzano, “no show” sa NBI hinggil sa reklamo kontra Flex Fuel

Abogado ni Luis Manzano, “no show” sa NBI hinggil sa reklamo kontra Flex Fuel

“NO show” sa National Bureau of Investigation (NBI) ang abogado ng actor-TV host na si Luis Manzano nitong Lunes, February 13, 2023.

Hinggil ito sa pagdinig sa imbestigasyon sa kasong estafa laban sa Flex Fuel Corporation.

Noong nakaraang linggo nang matanggap ng kampo ni Luis ang subpoena hinggil dito.

Sa paliwanag, sinusuri ng kanilang kampo ang umano’y mga ebidensya sa reklamo at humingi ng 15 na araw na extension.

Nadawit si Luis sa reklamo dahil ito ang dating co-owner at dating chairman of the board ng kompanya.

Sa reklamo na inihain nitong Enero laban sa Flex Fuel at kay Manzano, sinasabi ng mga co-owners at investors ng kompanya na hindi umano nila nakukuha ang tamang share mula sa Flex Fuel.

Subalit nauna nang sinabi ni Luis na noong September 2022 ay humingi na siya ng tulong sa NBI para imbestigahan ang Flex Fuel.

Buwan ng Nobyembre naman nang naghain na ito ng reklamo laban sa kompanya.

Follow SMNI NEWS in Twitter