Abot-kayang gasolina, handog ng Cleanfuel at Go Traktora para sa mga magsasaka

Abot-kayang gasolina, handog ng Cleanfuel at Go Traktora para sa mga magsasaka

HANDOG ng Cleanfuel at Go Traktora para sa mga magsasaka ang abot-kayang gasolina.

Patuloy ang pagmahal ng mga bilihin sa merkado ngayon.

Idagdag pa diyan ang pagtaas din ng singil sa kuryente at produktong petrolyo.

Kaya ang mga motorista, tiyagaan sa paghahanap ng abot-kayang gasolinahan para kahit pa sentimos lang ang mabawas sa kada litro – ay nakatipid pa rin.

Ang Cleanfuel – numero unong nag-aalok ng abot-kaya pero de kalidad pa ring produktong petrolyo.

At hindi lang natatapos sa mga motorista ang serbisyong hatid ng Cleanfuel dahil ang lahat ng sektor, apektado sa pagsirit ng mga bilihin sa merkado – tulad na lang ng mga magsasaka.

Sa pagpasok ng makabagong teknolohiya, ang traktora na nga ang maituturing na sanggang-dikit ng mga magsasaka.

Gamit nila ito para mapabilis ang kanilang pagtra-trabaho sa bukid.

Nito lamang Lunes, Mayo 20, 2024, isang kasunduan ang isinagawa sa pagitan ng kompanyang Cleanfuel at Go Traktora.

Ibig sabihin dito, ang mga miyembro at mga tagapagtangkilik ng produkto ng Go Traktora ay bibigyan ng discount card mula sa Cleanfuel.

Dalawang pisong diskuwento sa mga gumagamit ng diesel, habang tig-tatlong piso naman sa Premium 95 at Clean 91.

Parehong nagkasundo ang Cleanfuel at Go Traktora na tulungang pagaanin ang buhay ng ating mga magsasaka sa pagbibigay ng diskuwento sa kanilang mga bibilhing gasolina.

“Usually, mga farmers, ‘yan ‘yung mga walang pera pambili ng equipment and they are having a hard time operating ‘yung mga tractors nila because that is an additional cost. So, having that in mind, sabi ko let’s come up with the partnership, we’ll provide them your costumers with the discounts in diesel and gasoline. Simulan natin doon and then let’s see how it goes. If it we see that it’s helping that particular sector then we can extend further discount pa, a bigger discounts pa with them,” saad ni Atty. Bong Suntay, Owner, Cleanfuel.

“This is the first in the industry na a tractor distributor partnered with a fuel company. Definitely, this is our initiative to really empower our farmer the agriculture sector. I am seeing that, itong mga ginagawa natin, definitely it will also encourage ‘yung government sector that they will see na mayroon nang private companies and sector who is willing to help us in the agri sector and it will open opportunities for the agri sector na maisip nila na mayroon nang private sector na tumutulong. I’m really optimistic na ‘yung government sector will also take their part of this initiative,” wika ni Ralph Timothy Go, Vice President, Sales and Business Development, Go Traktora.

“Now itong mga farmers natin, to think na hirap magtanim sa ilalim ng init ng araw. So, dahil tinutulungan nila ang sarili nila, gusto din natin na tulungan sila by providing them a cheaper fuel which they could use for their machineries, that way, ‘yung taong mga tinutulungan natin nakikita natin na worth silang tulungan because they’re doing something for themselves,” ayon pa kay Suntay.

“‘Yan ‘yung pinaka-concern nila na kahit na kailangan pa nilang magdagdag ng machineries sa operation nila, parang nagdadalawang isip sila dahil ang taas ng fuel price. Because of this partnership definitely it will also encourage them na kapag na-encourage sila na ma-fully mechanized ‘yung farming operation nila definitely magiging efficient, magigng productive ‘yung farm operation nila,” dagdag ni Go.

Para sa Cleanfuel, makasaysayan ang bawat hakbang na kanilang ginagawa para makatulong sa ordinaryong Pilipino.

Asahan din aniya ang mas pinahusay at pinalawak pa nilang paghahatid-serbisyo para maabot ang iba’t ibang lugar sa bansa.

“The support that we’ve been getting from the motorists has never waived, tuluy-tuloy ‘yan, this allowed us to grow and this also is the reason why we continuously strive to source quality fuel for less and this also the reason why we make sure na sa mga pump natin na pagka bumili ng sampung litro ‘yung costumer, sampung litro ng gasolina o diesel ang nakukuha nila na pagka-sinabi na 95 octane ‘yan na gasolina, the octane level will never go below 95. It can be higher but not below 95,” ani Suntay.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble