MATAPOS hagupitin ng Bagyong Egay, isinailalim na ngayon sa state of calamity ang Abra.
Ito’y bunsod ng matinding pinsala na iniwan ng bagyo sa lalawigan.
Batay sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, nasa tatlo na ang nasawi, apat ang sugatan at isa ang nawawala dahil sa bagyo.
Umabot na rin sa halagang mahigit P24-M ang pinsala sa imprastraktura at agrikultura ng lalawigan.
Sa kasalukuyan, nasa mahigit 41 pamilya na ang inilikas at nawalan ng tahanan dahil sa epekto ng bagyo.