Abril 1 idineklarang regular holiday para sa Eid’l Fitr

Abril 1 idineklarang regular holiday para sa Eid’l Fitr

IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Abril 1, 2025 bilang regular holiday.

Ito’y upang gunitain ang Eid’l Fitr o Feast of Ramadan.

Alinsunod na rin ito sa Republic Act No. 9177 na nagtatalaga sa Eid’l Fitr bilang regular holiday sa buong bansa.

Sinunod din ni Marcos ang rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos na ideklara ang Abril 1 bilang isang national holiday.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble