Action Plan para sa epekto ng El Niño, tinalakay ng National El Niño Team

Action Plan para sa epekto ng El Niño, tinalakay ng National El Niño Team

MULING pinulong ng Office of Civil Defense (OCD) ang National El Niño Team sa Camp Aguinaldo araw ng Miyerkules Hulyo 19, 2023.

Ito’y upang maplantsa ang mga paghahanda sa maaaring epekto ng El Niño tulad ng mainit na panahon at malawakang tagtuyot.

Hulyo 4 nang ideklra ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng El Niño na possibleng lumala ang epekto sa huling bahagi ng taon.

Nakasentro ang pagpupulong na pinangunahan ni Civil Defense Administrator and National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Usec. Ariel Nepomuceno sa ginagawang paghahanda ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

Dumalo sa nasabing pagpupulong ang mga kinatawan ng Department of Energy (DOE), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Agriculture (DA), National Water Resources Board (NWRB), Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), PAGASA, at Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay Usec. Nepomuceno, kasama sa tinalakay ang mga long-term plan para sa food security, water security, energy security, health, public safety, at cross cutting issues.

 “The 17 agencies presented their short and medium long term actions, so that we will be better prepared for the phenomenon,” ayon kay Usec. Ariel F. Nepomuceno, Administrator, OCD, NDRRMC Executive Director.

Iba’t ibang ahensiya ng pamahalan, nakahanda na sa epekto ng El Niño

Ayon kay U-Nichols A. Manalo program director ng DA na upang maibsan ang maaring epekto ng El Niño ay patuloy ang kanilang mga programa na sumusuporta sa mga magsasaka upang dumami ang ani ng mga pananim, maging sa pag-aalaga ng hayop.

Sisiguraduhin din ng DA na mapanatili ang presyo ng mga pangunahing produkto sa merkado.

 “Nakahanda po ang Department of Agriculture kasama ng aming member agencies dito sa food security dito, sa food security group na i-ensure natin ang pagkain na accesable siya, available siya at mastabilized natin ang presyo,” ayon kay Dir. U-Nichols A. Manalo, Program Director, DA.

Ayon naman kay Michael Mathay Director ng DSWD na nakahanda na ang kanilang mga familiy food packs at iba pang tulong upang umayada sa mga lugar na tatamaan ng matinding init ng panahon.

“This are in were houses nationwide stockpile warehouses na fully loaded ito. Gusto ni Sectary Rex Gatchalian na laging maximum capacity ang mga warehouses ng mga family food packs at mga non-food items” ayon kay Michael Mathay, Development Director, DSWD.

Para naman sa DILG,

 “Habang na sa weak El Niño pa tayo, pero meron nang forecast na meron nang scientific calculation ang pagasa lalakas ito at lalawak ang magiging epekto.”

“So ang approach ng national El Niño Team kasama ang DILG dito ay lahat ng LGU sa buong bansa ay pinaghahanda natin,” ayon kay Dir. Edgar Allan Tabel, Lead National El Niño Team, DILG.

Suplay ng kuryente, hindi maapektohan ng El Niño—DOE

Sinabi naman ng DOE na hindi maapektohan ang suplay ng kuryente na ginagamit ng mga consumer sakaling tumindi ang init ng panahon.

 “Ang maganda it will not affect you the consumers because number 1, this is a whole nation approach, so we are closely monitoring not only with our various agencies here, but also the private sector na itong nagpapatakbo ng planta at iba’t ibang sector within the energy family,” ayon kay Usec. Felix William Fuentebella, DOE.

Tinalakay din ng National Water Resources Board at ng MWSS ang sitwasyon at lebel ng tubig sa mga dam at kung ano mga hakbang upang matugunan ang maaaring kakulangan ng tubig sa panahon ng El Niño

“Sa ngayon po for this immediate strategy po natin sa El Niño, unang-una po ang tinigtignan natin is i-manage natin ang kasalukuyang suplay po natin. Partikular po dito sa Metro Manila ay ‘yung isang major source po ng tubig ay sa Anggat Dam around 90% po jan kumukuha ng tubig, jan po nanggagaling kaya sa kasalukuyan lebel po na sa 180.94. I think kaninang umaga less than one meter siya, mataas siya minimun operating level but hindi pa ho comportable ito,” ayon naman kay Dr. Sevillo David, Jr. Executive Director, National Water Resources Board.

 “Ang MWSS po ay may mga nakalatag na mitigating measures on top on our existing water sources na kinukuha sa Anggat, ito po ay dinagdagan sa Umiray River going to Anggat,” ayon kay Leonor Cleofas, Administrator, MWSS.

Sa huli, dagdag pa ni Nepumuceno na matapos ang ginawang pagpupulong ay maisasapinal na nila ang National Action Plan para sa inaasahang El Niño alinsunod sa kautusan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na magpatupad ng Science-Based, Whole-of-Nation Strategy” para tugunan ang epekto sa bansa ng El Niño.

Sa kabila ng paghahanda sa posibleng epekto ng El Niño sa bansa sa mga susunod na buwan at taon ay naghahanda na rin ang pamahalaan sa maaring epekto ng inaasahang 8 hanggang 11 bagyo na papsok sa bansa ngayong 2023.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter