Adele, kasalukuyang nakararanas ng panghihina sa paa at nahihirapang lumakad

Adele, kasalukuyang nakararanas ng panghihina sa paa at nahihirapang lumakad

KASALUKUYANG nakararanas ng sciatica o pananakit, panghihina at pamamanhid ng binti ang British pop star na si Adele.

Ibinahagi ito ng singer sa kanyang New Year concert na “Weekends with Adele” sa The Colosseum at Caesars Palace sa Las Vegas.

Mas lumalala ang sintomas kung gagalaw, babahing, o uubo.

Magtatagal ang sciatica ng 4-6 na linggo subalit maaari din itong mas tatagal pa.

Ilang rason sa pagkakaroon ng sciatica ay ang pagkakaroon ng problema sa spine.

2021 naman nang sinabi ni Adele sa isang interview na matagal na rin itong nakararanas ng pananakit sa likod.

 

Follow SMNI News on Twitter